|
|
|
|
| Author | Topic: Paano kayo napadpad sa MHS? |
| Eric |
posted 2/26/06 3:07 AM
Let's do it once more, this time on our own website and for the benefit para sa mga newbies...Paano kayo napadpad sa Manila High School at bakit doon kayo nag-aral?Sana walang killjoy ha!? http://playground.multiply.com |
| Marge |
posted 3/6/06 8:12 PM
Yung mga kapatid (4 sila) ko kasi doon din nag-aral. Noong unang panahon, sikat ang MHS among public schools kaya yung mga nakakatanda kong kapatid doon sila pinag-aral ng mga magulang ko. |
| Krizztee |
posted 3/7/06 0:03 AM
ako naman, halos lahat ng kabataan sa lugar namin eh either sa Manila High norsa Araullo nag-aaral that time, advise ng nanay ko nun sa Araullo na lang daw para tipid sa uniform kasi same color ng skirt yung uniform ko nung Elementary sa uniform na gagamitin sa Araullo, then one of my kababata - Maribel Aquino is going to Manila High already so sabi ko sa sarili , sa Manila High na lang parame kasama akong pumasok .. nakakatawa nga kasi takot akong mag-commutethat time, it was my first time to ride on a jeep alone with only kababata around ..so yun po ang aking kwento .. kayo ? kwento naman kayo .. |
| rhenant |
posted 3/7/06 4:47 AM
di ko alam exact reason kung bakit ako dun pinag-enroll,siguro dahil na rin sa mga nauna kong 4 na kapatid...well,di naman nakakapagsisi kasi marami akong natutunan at memorable moments sa MHS. one time nung di pa gaano tayo active, dumaan ako sa MHS before going to church...just reminiscing the "good old days" :) |
| Raquel |
posted 3/7/06 4:59 AM
ako? ganito yon, actually, nakaregister na ko sa elementary school where i graduated, tapos, naisip ko, parang magiging boring, kasi that time, exclusive for girls lang ang high school sa school ko nung elementary, i wanted to study sa 1 co-ed na school kasi some of the people who graduated from my former school became tibo, but im not discriminating the 3rd sex ha, feeling ko kasi, babaeng-babae po ako! :) anyways, my aunt that time was manila high's asst. principal kaya i decided to go to mahigh na and also, i wanted to experinece that time to study to a different environment, to a public school, kasi for the 1st 7 years of my learning, i studied in a private school run by priests and nuns, kako para maiba naman sa 2 kong nakatatandang mga kapatid, both stayed there sa former school ko in elementary from preschool to high school. one more thing, kaya gusto ko rin lumipat ng school that time, gusto ko rin makaexperience magcommute kasi di ako gano nakakapagcommute in going to school when i was in elementary kasi walking distance lang yung school namin sa bahay namin e. :) byahilo rin ako kaya gusto ko ring nagcocommute para mawala yung motion sickness ko, medyo nakatulong naman but not totally kasi byahilo pa rin ako paminsan minsan. :) tuwang-tuwa ako that time when i was in mahigh kasi feeling ko independent na ko, kaya ko na mag isa. early days nung 1st year, sinasabay pa ako ng sister ko who was studying then in plm kapag pauwi na kasi nga di pa ko marunong magcommute and later on, as time goes by, ako na mag isa kasabay na mga classmates ko and sometimes di pa diretso uwi sa bahay, may kasama na ring lakwatsa o gimik. :) nung high school din ako natutong maglakwatsa, pero mind you people, walang nangyaring mga cutting classes that time, basta lahat ng kalokohan after school na yon lahat. :)haaayyy... yon po, yun po ang kwento sa likod ng pagiging isa kong mag-aaral ng mataas na paaralang maynila. at ako po'y walang 1 mang pagsisisi o panghihinayang sa pagiging mag-aaral ng manila high school, bagkus, nagpapasalamat pa ako na ako'y naging mag-aaral ng institusyong ito at dahil dito, ako ay nahubog bilang 1 mabuting mamamayan at tao, at dahil din dito, nakakilala ako ng ibat ibang klaseng tao na naging gabay, inspirasyon, huwaran at higit sa lahat, naging mga kaibigan ko na hanggang ngayon ay parte pa rin ng buhay ko at ikinararangal kong naging mga kaibigan ko. lahat ng mga alaala ko nung mga panahon na ako'y nasa manila high pa ay nananatili sa aking puso at isipan, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga iyon at iyon ay itinuturing kong 1 kayamanan na lubos kong pinahahalagahan. taas noo po ako at ipinagmamalaki ko na ako ay 1 dating mag-aaral ng mataas na paaralang maynila! nagbibigay papuri at pasasalamat po ako sa manila high school! mabuhay ang manila high school! mabuhay ang mga manila high school alumni! :) |
| 2litz |
posted 3/7/06 5:33 AM
gaya ng karamihan, napadpad ako sa MHS dahil din sa ate ko. at first, parang d ko gusto. bukod sa malayo na wala pa ako kasabay na kaberks ko na mag enrol dun. mostly sa araullo sila pumasok. since na andun naman si ate nagdecide na rin ako na sa MHS na rin mag aral. syempre medyo naiilang pa ako nung first day of clases. buti na lang friendly yung mga una ko nameet sa klase. sila rhenan, eric, kiko, at botski. Im very proud to be a product of MHS. |
| Francis |
posted 3/7/06 8:03 AM
Yung brother ko kasi sa Manila High din nag-aral so sabi ko eh doon na lang din ako para at least may kasama ako. Natatandaan ko pa pag sumasakay ako ng bus or jeepney eh kabado ako kasi baka lumagpas. |
| Vincent B. |
posted 3/7/06 10:01 AM
Standard of Course! imagine at 13 from Pasay to Manila High? Teachers were dedicated professionals. Tita and Tito r proud products of MHS. Sana hanggang ngayon yun ganun pa rin. |
| Arvin S. |
posted 3/7/06 3:36 PM
tatlong utol ko ang nag ma-high tapos tuwing weekend sinasama ako ng ate ko sa manila high tuwing weekend tapos pumupunta kami sa planetarium at manila aquarium... doon pa lang naisip ko na na masarap maglakwatsa kapag nag-manila high ako kaya ayun, nag-enroll din ako sa manila high... |
| Fatima |
posted 3/8/06 5:38 AM
Number 1 reason, my father used to work at Lyceum of the Philippines in Intramuros. So sabi ng mother ko sa Manila High na lang daw so that my father could check on me all the time. So ayun, mega sunod na lang sa decision ng magulang which was fine with me kasi nga excited din akong mag-commute, which was my number 2 reason. Katulad ng iba, feeling ko kasi independent kapag nag-co-commute. No regrets naman sa decision 'coz if it were not for MHS, i wont be what I am right now, and of course I wont be able to meet all of you, guys. |
| eva |
posted 3/10/06 4:55 AM
hindi kasi ako nakapasa sa manila science kaya sa mhs ako inenroll ng nanay ko kasi ayaw nya sa araullo dahil malapit daw sa sakayan kaya maingay at sobrang daming estudyante. no regrets ako na dun nag-aral kasi i met the friends who will be friends until now! |
| Eric |
posted 3/19/06 6:16 AM
Yung utol ko dun na rin kasi nag-aaral at may teacher din na taga MHS sa amin kaya sa MHS ako napadpad. |
| mhonie costelo |
posted 4/3/06 3:42 AM
lahat kaming magkakapatid dyan nagtapos sa manila high |
| evelyn |
posted 4/11/06 2:24 PM
gaya ng karamihan, lahat din ng mga kapatid ko dun din nag graduate, para di na mahirapan pang maghanap ng school dun na lang din kami. |
| Bobot |
posted 12/25/09 3:55 PM
Sa Intramuros kami nkatira so yan na ang pnakamalapit na secondary school nun.. http://wap.pinoy9.com |
| Bernadette Castor-Pascual |
posted 2/24/10 9:26 AM
Wala akong alam na ibang school eh besides karamihan ng mga taga sa amin were studying there also. But I.ve no regret happy & prod ako to be an alumni of MHS Batch 89. |
|
|